METRO MANILA, Philippines — Inamin ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa bago pa nangyari ang sapilitang pagpalit nitong Lunes kay Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri bilang Senate president ay may dati nang balak ang ilan nilang mga kasamahan.
Kinumpirma ni dela Rosa na totoo ang mga naunang ugong na patatalsikin si Zubiri simula noong nakaraang 2023.
May mga tumatawag at kumakausap na raw sa kanya na sumanib sa nilulutong kudeta, pero lahat ay tinanggihan niya.
BASAHIN: Malacañang walang papel sa pagpalit ng Senate president
BASAHIN: Marcos suportado si Senate President Escudero
Samantala, ibinahagi rin niya ang dahilan ng pag-iyak niya kahapon sa sesyon.
Aniya napa-iyak siya ng saluduhan siya ni Zubiri at labis-labis na kahihiyan ang kanyang naramdaman.
Naipangako raw kasi niya kay Zubiri na kukumbinsihin niya ang dalawang kapwa senador, sina Francis Tolentino at Christopher Go, na huwag siyang talikuran.
“Nabigo ako na ipanalo para sa kanya ang digmaan,” sabi ni Dela Rosa, na tinutukoy si Zubiri.