Malacañang walang papel sa pagpalít ng Senate president

By Jan Escosio May 21, 2024 - 12:54 PM

PHOTO: Francis Escudero STORY: Malacañang walang papel sa pagpalit ng Senate president
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Ipinagdiinan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Martes na walang kumausap o nagtulak sa kanya mulâ sa Malacañang para saluhín ang pamumunò ng Senado mulâ kay Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri .

Sinabi ito ni Escudero nang matanong siyá tungkol sa isyu.

Paliwanag pa nitó, ang bumubuô sa pamunuán ng Senado ay nakadepende sa kumpiyansa ng mayorya.

Tiniyak pa niyá na walang makakapagdiktá sa kanyá kung paano pamumunuan ang Senado.

Giniít niya na malî ang mga ganitong pag-iisip at tiniyák na lamang niyá na ang interés ng sambayanang Filipino ang kanilang isusulong.

Bago ang sine die adjournment ng Kongreso, tatalakayin at tatapusin muna ang mga panukalang-batás na natalakay na ng hustó.

TAGS: Francis Escudero, Juan Miguel Zubiri, Malacañang, Senate president, Francis Escudero, Juan Miguel Zubiri, Malacañang, Senate president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.