9 sa SAF iniimbestigahan dahil sa pag-escort ng taga-POGO
METRO MANILA, Philippine — Iniimbestigahan ngayon ang siyam na opisyal at tauhan Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nasiwalat na may dalawa silang commando na nagsisilbi bilang security escorts ng isang banyagang opisyal ng isang kumpanya ng Philippine offshore gaming operator.
Unang inaresto sina Cpl. George Rojo Mabuti at Pat. Roger Valdez, kapwa nakatalaga sa Mindanao, dahil sa insidenteng suntukan sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.
Kasunod nito, nabuking ang kanilang raket sa banyaga, gayong dapat ay naka-duty sila sa Mindanao.
BASAHIN: POGO-related crimes bahid sa mukha ng Pilipinas – Poe
BASAHIN: Walang lusot ang Bamban mayor sa isyu ng POGO – Gatchalian
Sinabi ng PNP chief na si Gen. Rommel Francisco Marbil na ang pagbibigay seguridad ay trabaho ng Police Security and Protection Group (PSPG) ng PNP.
Kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon, ipinaliwanag ni Marbil na nais nilang malaman ang posibleng kutsabahan sa unit ng dalawang pulis dahil protocol sa pambansang pulisya ang daily accounting ng mga tauhan sa lahat ng units.
Ang SAF ang itinuturing na elite unit ng PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.