Charter change bill wala nang pag-asa sa Senado – Zubiri
METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si Sen. Juan Miguel Zubiri na tuluyan nang nawalan ng pag-asa ang iniakda niyang Resolution of Both Houses No. 6 bunga nang pagpapalit ng liderato sa Senado.
Layunin ng panukala na magkasa ng “economic Charter change” sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon sa Saligang Batas.
Sinabi ni Zubiri na tutol dito si Senate President Francis Escudero.
BASAHIN: Halos 9 sa bawat 10 Pinoy tutol sa Charter change – survey
BASAHIN: Mga senador na pro-economic Charter change kulang pa – Zubiri
Dagdag pa nito, hindi na rin matutuloy ang naitakdang public consultation sa Cebu City at Cagayan de Oro City sa pagbitiw ni Sen. Sonny Angara bilang chairman ng binung Subcommittee on Constitutional Amendments.
Noong nakaraang Biyernes, ika-17 ng Mayo, naikasa pa ang public consultation sa Baguio City.
Sa hiwalay na pahayag, inamin ni Escudero na kanselado na ang public consultations sa Cebu City at Cagayan de Oro City, ngunit hindi niya kinumpirma na wala ng pag-asa ang RBH 6.
Sabi pa ng bagong namumuno sa Senado na pag-uusapan pa ng mayorya ang panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.