Halos 9 sa bawat 10 Pinoy tutol sa Charter change – survey

By Jan Escosio March 27, 2024 - 06:27 PM

9 sa bawat 10 Filipino ang ayaw sa Cha-cha, base sa Pulse Asia survey (INQUIRER PHOTO)

Tumatanginting na 88 porsiyento sa mga Filipino ang kontra na maamyendahan ang 1987 Constitution, ayon sa resulta ng Pulse Asia survey.

Lumabas na 74 porsiyento ang nagsabi na hindi dapat amyendahan ang Saligang Batas, samantalang 14 sa mga tutol ang nagsabi na maari itong amyendahan sa hinaharap.

Samantala, may walong porsiyento lamang ang pabor sa Charter change o Cha-cha.

At may apat na porsiyento naman ang walang naisagot.

Nabatid na 81 porsiyento sa mga tutol ay mula sa Metro Manila.

Samantala, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ang pagkontra ng maraming Filipino sa pag-amyenda sa Konstitusyon ang dahilan kayat pinag-aaralan mabuti at hindi ito minamadali ng mga senador.

Aniya binabalak nila na magsagawa ng mga pagdinig sa Luzon, Visayas at Mindanao upang malaman ang tunay na pulso ng mamamayan.

“This survey shows it is an unpopular move with almost 9 out of 10 Filipinos opposed to changing the Charter,” aniya.

Diin ni Zubiri ito ang mga bagay na kailangan na timbangin ng husto at kailangan na seryosong ikonsidera ng Subcommittee on Constitutional Amendments, na nagsasagawa ng pagdinig sa Resolution of Both Houses No. 6.

 

TAGS: Cha-Cha, survey, Cha-Cha, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.