Ex-Exec Secretary Ochoa dadalo sa hearing ukol sa ‘PDEA leaks’
METRO MANILA, Philippines — Kinumpirma ni dating Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang kanyang pagharap sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ngayon Lunes, ika-20 ng Mayo.
Kasama ni Ochoa na haharap sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang abogadong si Gilbert Villoria.
Ang pagdinig nitong Lunes ang ikatlo tungkol sa pagkakasapubliko ng confidential documents diumano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nag-uugnay kina Pangulong Marcos Jr. at veteran actress Maricel Soriano sa droga noong 2012.
BASAHIN: ‘STL’ daw ang tawag kay ex-PDEA intel officer Morales
BASAHIN: Ex-PDEA intel officer may perpetual ban sa gov’t service – CSC
Sa unang pagdinig, hindi nakadalo si Ochoa dahil sa “prior committment” samantalang sa ikalawang pagdinig naman ay tinamaan siya ng COVID-19 base sa ipinadala niyang medical certificate.
Nabanggit ni dating PDEA intelligence agent Jonathan Morales na si Ochoa ang diumano’y pumigil sa operasyon sa condominium unit ni Soriano sa Rockwell sa Makati City.
Ito naman ay itinanggi na sa huling pagdinig ng abogadong si Jojo Lacanilao. Aniya ipinatawag sa Malacañang noon si Morales hindi dahil sa naturang impormasyon kundi upang pakinggan ang kanyang mga alegasyon na may mga tiwali sa kanyang mga kasamahan sa PDEA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.