METRO MANILA, Philippines — Balik sa pagtaas ang presyo ng krudo (diesel) at gaas (kerosene), samantalang magpapatuloy ang pagbaba ng halaga ng gasolina simula bukas, ikaw-21 ng Mayo.
Sa mga magkakahiwalay na anunsiyo ng ilang kompaniya ng langis, 25 sentimo ang madadagdag sa presyo ng bawat litro ng krudo, samantalang 30 sentimo naman ang itataas ng halaga sa kada litro ng kerosene.
Samantala, ang gasolina naman ay matatapyasan ang presyo ng kada litro ng 10 sentimo.
Noong nakaraang linggo, P2 kada litro ibinaba ng halaga ng gasolina, 50 sentimo sa diesel at 85 sentimo naman sa gaas.
Ang nag-anunsiyo na nang paggalaw sa kanilang mga presyo ay ang Shell, Caltex, Seaoil at Cleanfuel, samantalang inaasahan na susunod na mag-aanunsiyo ang iba pang mga kompaniya ng langis.