Mga senador na pro-economic Charter change kulang pa – Zubiri

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade STORY: Mga senador pro-economic Charter change kulang pa – Zubiri
INQUIRER.net file photo

MANILA, Philippines — Inamin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kulang pa ang bilang ng mga senador na pumapabor sa panukalang amyendahan ang tatlong probisyon sa Saligang Batas na may kinalaman sa pagnenegosyo sa bansa.

Aniya, 15 hanggang 16 pa lamang na senador ang bukas ang isipan sa Resolution of Both Houses No. 6.

Nakasaad sa Saligang Batas na kailangan ng 18 yes votes mula sa 24 senador para makalusot ang naturang panukala, o ang tinatawag nilang “economic Charter change.”

Kayat sinabi ni Zubiri na dapat na mag-doble kayod ang mga sumusuporta sa panukala na kumbinsihin ang ilang kapwa senador na nagsabi nang mapait sa kanilang panlasa ang pag-amyenda sa Konstitusyon sa ngayon.

Ngayon araw, nagsagawa ng public consultation ang Subcommittee on Constitutional Amendments, sa pangunguna ni Sen. Sonny Angara, sa Baguio City para mapulsuhan ang damdamin at opinyon ng ilang sektor sa panukala.

Sina Zubiri, Angara, at Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pangunahing may-akda ng panukalang-batas.

Read more...