Bigás, ibá pang pagkain bumabâ ang presyo – PSA

PHOTO: Stock image of rice grains and stalk
INQUIRER.net stock image

PAG-ASA ISLAND, Kalayaan Island Group, Palawan, Philippines — Maraming pagkain ang bumabâ ang presyo sa mga unang araw nitóng Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng ahensiya, ang presyo ngayón ng well-milled rice ay bumabâ sa P56.52 per kg mula sa P56.98 at P57.04 per kg.

Ngayon ang medium-sized na itlóg ay nagkakahalagá ng P8.51 bawat isa mula P8.58 noong nakaraang buwan.

Ang presyo ngayón ng galunggóng ay P195.41 per kg mulâ sa pinakamataás na P204.49 noóng Abríl.

Noong Abríl, naitalâ ang 3.8% na inflation mula sa 3.7% noong Marso at ang pagtaás ay bunga ng pagmahál ng mga pagkain.

Read more...