Senate probe ng Chinese Embassy ‘wiretapping’ pag-uusapan muna

PHOTO: Juan Miguel Zubiri STORY:L Senate probe Chinese Embassy ‘wiretapping’ pag-uusapan muna
Senate President Juan Miguel Zubiri —Lumang larawan galing sa Senate Public Relations and Information Bureau

PAG-ASA ISLAND, Palawan, Philippines — Hindi pa tiyak kung matutuloy sa darating na Martes ang isasagawang pagdinig ukol sa sinasabing ginawang “wiretapping” ng Chinese Embassy sa isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kasunod ito ng pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magsasagawa muna ng caucus ang mga senador ukol sa resolusyon ni Sen. Francis Tolentino.

Katuwiran ni Zubiri sensitibo ang isyu at maaring may mga matalakay na detalye na makakaapekto sa pambansang seguridad kayat kailangan na mag-usap-usap muna ang mga senador.

Una nang inanunsiyo ni Tolentino na nangako sa kanya si Sen. Jinggoy Estrada, ang namumuno sa Committee on National Defense, na ikakasa niya sa Martes, Mayo 21,  ang pagdinig.

Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na hahayaan nila ang Department of Foreigns Affairs (DFA) na manguna sa gagawing pagkilos ng gobyerno ukol sa diumano’y ilegal na pag-record ng pakikipag usap ng isang mataas na Chinese Embassy official sa isang opisyal ng AFP Western Command.

Ang napag-usapan ay ukol umano sa “new model” agreement na may kinalaman sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Read more...