Senate consultation sa Charter change ikakasa sa Baguio ngayon

By Jan Escosio May 17, 2024 - 03:46 PM

PHOTO: Sonny Angara STORY: Senate consultation sa Charter change ikakasa sa Baguio ngayon
Pangungunahan ni Sen. Sonny Angara ang consultation sa Charter change sa Baguio.  (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Sa lungsod ng Baguio isasagawa ngayon araw, Biyernes, ika-17 ng Mayo, ang una sa tatlong regional consultations ukol sa panukalang Charter change— ang pag-amyenda sa ilang probisyon sa Saligang Batas..

Una nang nakapagsagawa ng limang public hearings ukol sa Resolution of Both Houses No. 6, na layong buksan sa mga banyaga ang pagmamay-ari ng public utilities, higher education, at advertising sector sa bansa.

Pangungunahan ni Sen. Sonny Angara ang pagdinig bilang naitalagang chairman ng binuong Subcommittee on Constitutional Amendments.

BASAHIN: Cha Cha, hindi ulam sa sikmura ng Filipino – Sen. Nancy Binay

BASAHIN: ‘Con-con’ para sa ‘Cha cha’ lusot na sa Kamara

Aniya nais nilang marinig ang opinyon sa panukala mga local leaders, negosyante, at mga lider sa higher educational institutions sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sinabi ni Angara na naging makabuluhan ang mga naunang pagdinig para sa isinusulong na “economic Charter change” dahil sa pagdalo ng mga dating mahistrado ng Korte Suprema, gayundin ng mga constitutional, education, at business experts.

Inaasahan na dadalo sa public consultation ngayon dito sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, at sina Sens. Christopher Go at Ronald dela Rosa.

Sa susunod na linggo, nakatakdang magsagawa ng katulad na konsultasyon ang komite sa Cebu City at Cagayan de Oro City.

TAGS: charter change, Constitutional amendments, charter change, Constitutional amendments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.