Cha Cha, hindi ulam sa sikmura ng Filipino – Sen. Nancy Binay

By Jan Escosio February 10, 2023 - 06:54 AM

OSNB PHOTO

Sinabi ni Senator Nancy Binay na sa kanyang palagay ay hindi prayoridad sa ngayon ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Kung priorities lang naman po ang pag-uusapan, ang usapin ng Charter Change eh medyo lihis sa kumakalam na sikmura–‘di po kasama ang con-ass sa ulam ng bawat pamilyang Pilipino,” diin ng senadora.

Dagdag pa nito: “Dapat doon tayo mag-focus sa mga isyu na direktang nakakabit sa sikmura tulad ng presyo ng mga pangunahing bilihin, mga problema sa agrikultura, tutukan natin ang health sector at bigyang pansin yung mga isyu sa marginalized sectors kagaya ng ating mga magsasaka’t mamamalakaya, at talagang mahaba-haba pa ang listahan ng mga problema natin.”

Sinabi pa nito na nahahati ang bansa sa usapin ng ‘Charter Change’ o Cha-Cha, ngunit ang tunay na kailangan ay pagkakaisa ng lahat ng Filipino para mapaghandaan ang posibleng ‘global recession.’

Nabanggit din ni Binay, sa kanyang palagay ay natugunan na noong nakaraang Kongreso ang mga hirit na ‘pagpapaluwag’ sa mga probisyon sa Saligang Batas na pang-ekonomiya.

“Eto ‘yung Public Service Act (PSA), Retail Trade Liberalization Act and the Foreign Investments Act. Yung mga nai-introduce nating mga economic reforms ay tugon doon sa mga kakulangan sa probisyon sa Constitution, at sagot sa mga isyu ng foreign equity limitation sa utilities, power, telecoms, transport at aviation, infra, at iba pang sektor,” sabi pa nito.

 

TAGS: Cha-Cha, con ass, trade, Cha-Cha, con ass, trade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.