Malinis na banyo sa mga Tourist Rest Area ipinangako ni Marcos

PHOTO: Cecilia Araneta Marcos, Ferdinand Marcos Jr., Christina Garcia Frasco STORY: Malinis na banyo sa mga tourist rest area ipinangako ni Marcos
Pinangunahan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng Tourist Rest Area sa Pugudpud, Ilocos Norte, nitong Biyernes, ika-17 ng Mayo 2024. Kasama niya sina Ilocos Norte Vice Gov. Cecilia Araneta Marcos at Tourism Secretary Christina Garcia Frasco. (Larawan mula sa Facebook page ni Marcos)

PAG-ASA ISLAND, Kalayaan Island Group, Palawan — Patuloy na magtatayo ng Tourist Rest Area (TRA), na may mga malinis na banyo, sa mga popular na destinasyon sa bansâ, sabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes, ika-7 ng Mayo.

Ito aniya bahagi ng plano ng gobyerno na mapalakás ang turismo sa Pilipinas.

Sa pagpapasinaya ng TRA sa Pagudpud, Ilocos Norte, sinabi ni Marcos na kailangan nang paigtingin ng husto ang mga programa upang maging kanais-nais sa mga turista ang pagbisita sa bansa.

Bunsód na rin ito ng ginagawang pagpapalakás ng ibang katabing bansâ sa kanilang turismo gaya ng Vietnam, Thailand at South Korea.

BASAHIN: Kakapusan ng health facilities sa tourist spots bubusisiin ng Senado 

BASAHIN: Nancy Binay natuwa sa suporta ni Marcos sa Pinoy street food tourism

Ayon pa kay Marcos, hindi lamang mga magagandang beach ang aspeto na magsusulong sa turismo kundi maging ang ginhawa sa pagbiyahe.

Ang bawat TRA ay magbibigay ng pangunahing serbisyo at mga pasilidad sa mga turista gaya ng information center, malinis na palikuran, charging stations, at maging lounge kung saan maaring magpahinga.

Lalalgyan dinng pasalubong center ang bawat TRA kung saan naman maipapakita ang pagiging malikhain ng mga Filipino sa pamamagitan ng mga maliliit na negosyante.

Ang harap ng Tourist Rest Area sa Pagudpud, Ilocos Norte. (Larawan mula sa Facebook page ni Pangulong Marcos)

May nabuksan nang mga TRA sa mga lugar na ito:

Samantala, inaayos na ang TRA sa Baguio City.

Sa loob ng TRA sa Pagudpud, Ilocos Norte. (Larawan mula sa Facebook page ni Pangulong Marcos)

May 22 na mga TRA  pa ang bubuksan sa mga probinsiyang ito:

Read more...