Abalos ibinida tagumpay ng Marcos drug war sa UN convention

PHOTO: Benhur Abalos
Interior Secretary Benhur Abalos (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni Interior Secretary Benhur Abalos sa mga lider ng ibat-ibang bansa na matagumpay ang istratehiya ng administrasyong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa droga.

Sa kanyang talumpati nitong Lunes, ika-13 ng Mayo, sa 33rd Session of the United Nations (UN) Commission on Crime Prevention and Criminal Justice sa Vienna, Austria, ibinahagi ni Abalos na nabawasan ang supply at demand ng Pilipinas sa mga droga dahil sa istratehiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nabanggit ni Abalos na sa unang dalawang taon ng administrasyon, halos $587 million ang halaga ng mga droga ang nasamsam ng mga awtoridad.

Ang halaga ay 700% na mas mataas kumpara sa mga naitala sa mga nakalipas na taon.

Nabanggit din ni Abalos, ayon sa PCO, na sa kabila ng tagumpay sa kampaniya kontra droga sa bansa maliit na bilang ang nagbuwis ng buhay.

Read more...