METRO MANILA, Philippines — Nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Clark, Pampamga ang 1.9 kg ng kush, high grade marijuana, na may halagang P3.1 million.
Ayon sa ulat ng Bureau of Customs nitong Miyerkules, ang ilegal na drog ay nasa isang kargamentong dumating noong Lunes, ika-13 ng Mayo. Ito ay idineklarang hooded sweatshirts o hoodies.
Base sa natanggap na “deragatory information” isinailalim sa x-ray scanning at dog sniffing ang parcel.
BASAHIN: P4.51B halaga ng ibat-ibang droga winasak ng PDEA
Sa physical examination, nadiskubre ang apat na pouches na naglalaman ng mga pinatuyong dahon na hinihinalang kush.
Lumabas sa chemical analysis ng PDEA na positibong high grade marijuana ang mga dahon.
Nagsagawa ng controlled delivery operation ang mga ahente sa Antipolo City, Rizal at naaresto ang isang lalaki na may edad 23 taon na tumanggap ng parcel.