Mga pekeng ospital ng mga POGO tinitiktikan ng PAOCC

PHOTO: Winston John Romero Casio STORY: Mga pekeng opsital ng mga POGO tinitiktikan ng PAOCC
Winston Casio, tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (Larawan mula sa Facebook page niya)

METRO MANILA, Philippines — May iba pang mga pekeng ospital na may kaugnayan sa mga ilegal na Philippine offshore gaming operator ang tinitiktikan na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ayon kay Winston Casio, tagapagsalita ng ahensya.

Iniulat niya ito bunsod na rin ng sinalakay na pekeng ospital sa Hobbies of Asia sa Macapagal Avenue, Pasay City kamakailan.

Ayon kay Casio, hindi lamang ang naturang ilegal na ospital sa bansa ang minamanmanan ng PAOCC.

BASAHIN: Kaugnayan ng mayor sa ni-raid na Tarlac POGO hub huhukayin

BASAHIN: 373 rescued Filipinos sa ni-raid na POGO hub sa Tarlac, pinalaya na

Sinabi pa nito na posible na ang mga manggagawa ng POGO na tinortyur ay dinadala sa ilang ospital para magamot upang hindi sila mabuko ng mga awtoridad.

“Meron kaming mga impormasyon na natatanggap na merong mga POGO workers na nato-torture, mga nakikita natin na barilan at saksakan ng foreign nationals, dito dinadala sa mga ospital na katulad nito,” aniya.

Dagdag pa nito, may mga nakuha na silang impormasyon kung sino ang may-ari ng sinalakay sa ospital sa Pasay City at nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Justice (DOJ) para sa pagsasampa ng mga kaso.

Inaresto sa naturang pagamutan ang mga foreign health professionals gaya ng mga doctor, nurse, at pharmacist.

Read more...