Pasay Eco City kauna-unahan sa Pilipinas – Mayor Rubiano

PHOTO: Mayor Imelda Calixto-Rubiano STORY: Pasay Eco City kauna-unahan sa Pilipinas – Mayor Rubiano
Pasay Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano (File photo from her Facebook page)

METRO MANILA, Philippines — Ibinida ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano kahapong Huwebes na nalalapit na ang katuparan na pinapangarap na Pasay Eco City, ang maituturing na kauna-unahang “truly sustainable eco city” sa Pilipinas.

“Naisakatuparan namin ang aming hangarin na pagsamahin ang ekonomiya at proteksiyon ng kalikasan sa ating Pasay Eco City na siyang pinakaunang sustainable eco city sa bansa,” ani Rubiano.

Dagdag pa ng opisyal ang proyekto ay para sa magandang hinaharap at buhay ng mga Pasayeño.

BASAHIN: 22 reclamation projects sa Manila Bay, suspendido

Paliwanag pa niya lubos na makikinabang ang kanyang mga kalungsod sa Pasay 265, isang coaastal development project may laking 265 ektarya na bubuuin ng pitong distrito — Gateway, Channel East, Channel West, Central Park, North Dock, South Shore, at West Wharf.

Sinabi nito na maituturing na “world class” ang proyekto dahil kabilang sa kanilang private partners ang Arup at Aecom, gayundin ang internationally acclaimed expert contractors na Royal Boskalis Westminster N.V. at Royal Haskoning DHV.

Samantala, ang proyektong Pasay 360 naman ay magiging isang world-class at kauna-unahang smart city na may laking 360 ektary na environment at sustainably friendly, climate resilient, at future-proof at bubuksan sa mga banyagang mamumuhunan.

Kabilang ang dalawang reclamation projection doon sa 22 na sinuspende ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Agosto 2023. Pero noong Nobyembre naman, binawi din ni Marcos ng pagsuspinded ng mapatunayang nakasunod naman sa batas at patakaran ng Philippine Reclamation Authority ang mga proyekto.

Read more...