Suspendido at under review na ang lahat ng 22 na reclamation project sa Manila Bay region.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, ipinakita ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang suspension order na galing sa Palasyo ng Malakanyang.
Sabi ni Loyzaga, nagsasagawa na ang DENR ng cumulative impact assessments sa mga reclamation projects para matukoy kung ano ang epekto nito sa Manila Bay at sa mga kalapit na lugar.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspendido ang reclamation projects sa Manila Bay maliban sa isang kompanya.
Ayon kay Loyzaga, dahil hawak na niya ang kautusan, ipamamahagi na agad ang kopya nito sa 22 kompanya.
Sabi ni Loyzaga, ang 22 reclamation projects ay inaprubahan noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at binigyan ng Environment Compliance Certificates.
Hindi naman matukoy ni Loyzaga kung kailan matatapos ang pag-aaral sa mga rclmation projects.
Kapag aniya nakasunod ang 22 kompanya sa mga alintuntunin ng DENR, maari namang ituloy ang reclamation projects.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.