Pinayagan ang ‘virtual attendance’ ni Bong Revilla sa Senado

By Jan Escosio May 14, 2024 - 06:02 PM

PHOTO: Ramon Revilla Jr.
Sen. Ramon Revilla – File photo from the Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Nagkaisa ang mga senador na suspindihin ang Senate rule ukol sa kanilang “virtual attendance” dahil sa kondisyon ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Kahapong Lunes, hiniling nina Sens. Imee Marcos at Francis Tolentino na payagan na lamang ang virtual attendance ni Revilla  na sa pagdalo ng sesyon ay may gamit na saklay.

Umani ito ng debate dahil ang patakaran sa virtual attendance ng mga senador ay para lamang sa mga may 2019 coronavirus.

BASAHIN: Sen. Bong Revilla Jr., posibleng lumabas na ng ospital matapos operahan sa paa

BASAHIN: Sen. Bong Revilla sasailalim sa bone injury operation bukas

Nitong Martes, nagsumite na si Revilla ng kanyang sulat kay Senate President Juan Miguel Zubiri para sumailalim sa medical leave.

Binanggit niya na ang pinayuhan na siya ng kanyang doktor na magpahinga dahil bumuka ang sugat at namaga ang bahagi ng kanyang paa na inoperahan noong nakaraang buwan.

Sa pagbubukas ng sesyon, natalakay muli ang kondisyon ni Revilla. Walang senador na tumutol na suspindihin pansamantala ang partikular na tuntunin sa Senado ukol sa virtual attendance.

Kasunod nito, nagpasalamat na si Revilla sa mga kapwa senador, partikular na kay Zubiri, sa pagpayag sa kanyang hiling sa Senado.

TAGS: Ramon Revilla Jr, Senate virtual attendance, Ramon Revilla Jr, Senate virtual attendance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.