Sen. Bong Revilla sasailalim sa bone injury operation bukas
Nakatakdang sumailalim sa operasyon bukas si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.
Magugunita na nagtamo ng Achilles tendon injury si Revilla Jr., sa shooting ng isang pinagbibidahang pelikula.
Sinabi ng senador na tatagal ng hanggang apat na oras ang operasyon para maisaayos ang buto malapit sa kanyang sakong.
Tatagal naman hanggang limang buwan ang pagpapagaling ng senador matapos ang operasyon.
Sa kabila nito, tiniyak ni Revilla Jr., na makakadalo siya sa pagbubukas muli ng sesyon sa Senado sa Abril 29 dahil may isusuot naman siyang “boots” na makakatulong sa kanyang paggalaw, partikular na sa paglalakad.
Aniya magpapatuloy din ang kanyang information campaign ukol sa naipasang “Revilla Law” o ang pagbabawal sa “No Permit, No Exam” policy, gayundin ang Expanded Centenarian Act.
“I will continue to fulfill my duties as a public servant, ensuring that the needs of our people through legislations that I advocate are met and that our country moves forward,” sabi pa ni Revilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.