Mid-year bonus ng gov’t workers ilalabas na simula Mayo 15
METRO MANILA, Philippines — Isasabay na sa suweldo ng mga kuwalipikadong manggagawa ng gobyerno ang kanilang mid-year bonus bukas, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sa inilabas na pahayag ng DBM, naniniwala si Budget Secretary Amenah Pangandaman na makakatulong sa pang-araw araw na pangangailangan ng mga manggagawa ang bonus, na katumbas ng kanilang isang buwan nilang suweldo.
Paalala na lamang din ni Pangandaman sa mga ahensiya ng gobyerno ang mabilis na pagpapalabas ng mga bonus.
BASAHIN: 12 na opisyal ng BSP pinakamataas ang sweldo sa gobyerno
Kuwalipikado sa mid-year bonus ang mga regular na manggagawa, maging ang mga casual at contractual.
Samantala, sinabi ng kalihim, na ang alokasyon ng mid-year bonuses ng mga lokal na pamahalaan, mula lalawigan hanggang barangay, ay nakadepende sa kanilang mga sanggunian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.