METRO MANILA, Philippines — Binigyan ng lubos pagpapahalaga ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang mga guro sa kanyang pagdalo sa Dangal ng UST awarding ceremony noong Biyernes, ika-10 ng Mayo.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Villanueva ang kanyang pagpupugay at labis na paghanga sa mga guro sa paghulma sa kaisipan ng mga kabataan.
“Malaki po ang papel ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng kabataang Filipino at ng ating bayan,” sabi ng senador.
BASAHIN: 4 na oras na pagtuturo ng mga guro ipinanukala ni Gatchalian
BASAHIN: Dagdag allowance sa mga guro hinihintay na lang ang pirma ni Marcos
Ipinaliwanag pa niya ang kahalagahan ng “experimental learning” at aniya ito ang pagkakaroon ng sapat na panahon ng mga mag-aaral na makapagsanay sa napili nilang industriya.
Sabi ng senador, isa sa mga layon ng kanyang panukalang Enterprise-Based Education and Training na matugunan ang isyu sa job-skills mismatch kayat kabilang sa nasertepikahan na “priority measures” ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.