Dagdag allowance sa mga guro hinihintay na lang ang pirma ni PBBM – Revilla

By Jan Escosio March 14, 2024 - 01:09 PM

Isinulong ni Sen. Bong Revilla Jr., na tumaas sa P10,000 ang chalk allowance ng mga guro. (SENATE PRIB PHOTO)

Tanging pirma na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at magiging batas na ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na isinusulong ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ibinahagi ni Revilla na lumusot na ang naturang panukalang-batas sa Bicameral Conference Committee.

“Alam natin na nag-‘evolve’ na ang pagtuturo kung kaya’t dumagdag na rin ang demands na nakaatang sa mga guro para mas epektibong magampanan ang kanilang mga tungkulin. Ang ayaw natin ay yung magiging abonado pa sila. Kailangan na yung gastusin para sa mga instrumento at kagamitan sa pagtuturo, hindi na nila huhugutin sa kanilang sariling bulsa.”

Nagtungo pa sa Senado ang mga organisasyon ng mga guro tulad ng  Alliance of Concerned Teachers (ACT), Teachers Dignity Coalition, at Philippine Public School Teachers Association upang personal na pasalamatan si Revilla, ang namumuno sa Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation.

Anila 16th Congress pa ng ihirit nila ang pagtaas ng kanilang teaching allowance at ngayon ay 19th Congress na.

Ayon pa kay Revilla ito ay pagbibigay pugay at pagpapahalaga sa kadakilaan ng mga guro.

Paliwanag niya, ang P5,000 Teaching Allowance ng mga guro sa kasalukuyan ay madodoble sa P10,000 kapag naisabatas na ang kanyang panukala

 

TAGS: chalk allowance, teachers, chalk allowance, teachers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.