DA nilinaw panukalang pagbili, pagbenta ulit ng bigás ng NFA

PHOTO: Stock image of rice grains and stalk STORY: DA nilinaw panukalang pagbili, pagbenta ulit ng bigas ng NFA
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippnes — Ang mapanatiling mababa ang presyo ng bigas, ayon sa  Department of Agriculture (DA), ang tanging motibo sa panukalang  payagan ulit ang National Food Authority (NFA) na bumili at magbenta ng bigas.

Ito ang nilinaw ni ni Agricultre Assistant Secretary Arnel de Mesa kaugnay sa isinusulong na pag-amyenda sa Rice Tarrification Law.

Paliwanag pa niya na dapat iwasan ang pagtatakda ng price cap sa bigas sa katuwiran na panandaliang solusyon lamang ito at may may negatibong epekto sa ekonomiya.

Sinabi pa niya na ang pinakamabilis na hakbang para maging stable ang presyo ng bigas ay hayaan ang NFA na muling bumili at magbenta ng itinutiring na pambansang butil.

Pagtitiyak niya na dekalidad ngunit mura ang bigas na ipagbibili ng NFA.

Sa ngayon ang tanging nagagawa ng NFA ay bumili ng palay sa mga magsasaka sa halagang P19 hanggang P23 per kg at ipagbili ito ng P23 hanggang P30 per kg.

Dagdag pa ni De Mesa na bibili at magbebenta lamang ng bigas ang NFA kung may seryosong isyu sa supply at presyuhan.

Read more...