Bigtime rollback sa presyo ng gasolina bukas, Mayo 14

PHOTO: Fuel pumps STORY: Bigtime price rollback sa gasolina bukas, Mayo 14
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Ginhawa para sa mga motoristang gumagamit ng gasolina ang P2 kabawasan sa bawat litro ng gasolina simula bukas, Mayo 14.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo ng ilang kompaniya ng langis, 50 sentimos naman ang mababawasa sa presyo ng kada litro ng krudo at 85 sentimos naman ang matatapyas sa presyo ng kerosene.

Ang paggalaw ngayong linggo sa presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil naibsan ang tensyon sa Gitnang Silangan, gayundin ang stable supply ng langis sa merkado.

Noong nakaraang linggo, bumaba ng 75 sentimos ang halaga ng presyo ng kada litro ng gasolina, 90 sentimos sa diesel at P1.05 naman sa kerosene. Ang gasolina tumaas na ng P9.25 kada litro ngayon taon, P4.70 sa diesel at ang presyo ng kada litro ng kerosene ay bumaba pa ng 80 sentimos.
Read more...