Stratbase pabor sa pag-amyenda ang Intellectual Property Code

PHOTO: Ipophil logo and building STORY: IPC dapat pagtibayin: 7.1% ng GDP natatangay ng piracy
File photo from the Facebook page of the Intellectual Property Office of the Philippines

METRO MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta Stratbase ADR Institute, isang think tank sa bansa, sa panawagan na amyendahan ang Intellectual Property Code (IPC) para masugpo ang piracy na nakaka-apekto sa ekonomiya at creative industry sa bansa.

Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), 7.1% ang nawawala sa gross domestic product (GDP) ng Pilipinas dahil sa piracy, lalo na online.

Ayon sa Stratbase, panahon na para repasuhin ang 27-taong IPC dahil nagpapatuloy pa rin ang pamimirata ng creative contents, na nagdudulot ng demoralisasyon sa industriya.

Sabi pa ng grupo, dahil sa piracy dumadami pa ang scammers at fraudsters.

BASAHIN: Intellectual Property Code nais maamyendahan sa Senado

BASAHIN: Kampaniya laban sa content piracy pinalakas ng Globe

Walang batas para maharang ang mga websites na may napiratang laman kayat nawawalan ng kita ang gobyerno mula sa mga buwis na dapat ay nasisingil.

Nagtutulungan na lamang ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL), National Telecommunications Commission(NTC), at internet service providers (ISPs) sa pagkasa “stop-gap measures” para maharang ang websites na may pirated contents.

Noong 2022, nasa $ 700 million ang nawalang kita ng Pilipinas dahil sa pirated TV shows at mga pelikula.

Ayon kay IPOPHIL Directpr General Rowel Barba, kapag nagpatuloy ito, aabot sa $1 billion ang mawawalang kita ng gobyerno kayat panahon na para rebisahin ang IPC.

Read more...