METRO MANILA, Philippines — Ikinagulat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na P50 per kilogram ng ibinibentang bigas sa isang Kadiwa Store.
Diin niya na dapat ay P29 per kg lamang ang presyo nito sa mga Kadiwa Store.
Sinabi na lamang niya na sa kanyang palagay ang P50 per kg na nabili dun sa tindahan ay hindi mula sa gobyerno.
BASAHIN: NFA stores hindi ibabalik sa mga palengke – DA
“Hindi ko alam ‘yan dahil ang Kadiwa pinagbinili natin, chineck ko nga. Nagpapabili tayo, ang ibinbenta natin na bigas is P29 kayat hindi ko alam yung P50,” aniya.
Nalaman niya ang presyo ng bigas sa pagbisita niya sa General Santos City.
MOST READ
LATEST STORIES