Manny Pacquiao sasanib kay Marcos sa 2025 senatorial race

PHOTO: Manny Pacquiao STORY: Manny Pacquiao sasanib kay Marcos sa 2025 senatorial race
Manny Pacquiao (File photo from INQUIRER.net)

METRO MANILA, Philippines — Matapos mabigo sa kanyang pangarap na maging pangulo ng bansa noong 2022 elections, susubukan naman sa 2025 elections ni Manny Pacquiao na maging senador muli.

Sa inilabas na pahayag ng kampo ni Pacquiao, tatakbo ito sa pagka-senador sa ilalim ng Marcos administration ticket gamit ang kanyang Probinsiya Muna Development Iniative (PROMDI) Party.

Umugong ang kandidatura ng dating eight divison boxing champion nang kabilang siya sa mga sumalubong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagbisita nito sa Cagayan de Oro City kamakailan lang.

Namigay ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda si Marcos.

At sa panayam ng media kay Pacquiao, kinumpirma nito ang pakikipag-alyansa ng PROMDI sa Partido Federal ng Pilipinas, ang partido ni Marcos.

Sinabi nito na sinusuportahan niya ang mga programa ng administrasyong-Marcos, partikular na ang pagpapaunlad sa mga malalayong bahagi ng bansa.

Read more...