Reklamo sa PEATC chief ‘personal’ na atake – tagapagsalita

By Jan Escosio May 10, 2024 - 08:44 PM

PHOTO: Facade of the Office of the Ombudsman
Facade of the Office of the Ombudsman (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA — Walang basehan ang mga reklamo ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) laban kay Dioscoro Esteban Jr., ang officer in charge ng Public Estates Authority Tollways Corp. (PEATC), ayon kay Atty. Ariel Inton, ang kanyang tagapagsalita.

Ayon kay Inton, ang inihain reklamo sa Office of the Ombudsman ay bunga lang ng paninindigan ni Esteban na maibigay kung ano ang nararapat sa pamahalaan.

Aniya hindi pa sila nakatanggap ng kopya ng reklamo. Pero handa naman silang ipaglaban ang opisyal ng PEATC sa mga kinakaharap nitong mga malisyoso at walang basehan na mga alegasyon.

BASAHIN: Toll collection sa Cavitex dapat hawak ng PEATC

BASAHIN: MPT-South sinagot ang inihain na mandamus ng PEATC

Isinalarawan din ni Inton na ang pagsasampa ng mga reklamo ay pagtatangka na ilihis ang tunay na isyu, ang pagbawi nila sa bahagi ng PEATC sa toll collection.

Ang mga ito din aniya ay “personal” ng pag-atake kay Esteban Jr., kayat kumpiyansa sila na papanig sa kanila ang hustisya sa huli.

Nag-ugat ang reklamo sa pag-akto ng PEATC na abogado ng Public Estates Authority (PEA) na dapat sana gampanan ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

TAGS: Cavitex Infrastructure Corp., Dioscoro Esteban Jr., Office of the Ombudsman, Public Estates Authority Tollway Corp., Cavitex Infrastructure Corp., Dioscoro Esteban Jr., Office of the Ombudsman, Public Estates Authority Tollway Corp.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.