METRO MANILA, Philippines — Pinangunahan ng isang babaeng kadete mula sa Surigao City sa Surigao del Norte ang mga magsisipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ngayong taon.
Magtatapos na magna cum laude si Cadet 1st Class Jeneth Elumba at siya ang pinakamataas sa hanay ng 278 miyembro ng PMA Bagong Sinag (Bagong Henerasyong Gagampanan ang Tama: Serbisyo, Integridad, at Nasyonalismo ang Aming Gabay) Class of 2024.
Tatanggapin niya mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Presidential Saber Award, gayundin ang Australian Defense Best Overall Performance Award, Tactics Group Award, JUSMAG Saber Award, at ang Philippine Army Saber Award.
BASAHIN: Babaeng kadete mula Isabela nanguna sa PMA Masidlawin Class of 2020
BASAHIN: PMA Alumni Association, idineklarang persona non grata si Ewin Tulfo
Ang graduating class ngayon taon ay binubuo ng 224 lalaki at 54 babaeng kadete. Sa bilang, 144 ang pinili ang Philippine Army, kabilang na si Elumba, 72 sa Philippine Navy, at 62 sa Air Force.
Sa klaseng ito, 130 ang nakapagtapos na ng kurso sa kolehiyo, 132 ang senior high school graduates at 16 ang undergraduates.
Gaganapin ang pagtatapos sa Fort del Pilar sa Baguio City sa darating na ika-18 Mayo.