Recto: P3-M gastos ng gobyerno sa bawat kadete sa PMA
Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na P3 Million na mula sa buwis ang ginagasta para makapagtapos ang isang kadete sa Philippine Military Academy.
Ito aniya at anim na beses na mas mataas para makapagtapos ang isang estudyante sa University of the Philippines (UP).
Aniya ang mga taga PMA at UP ay kapwa itinuturing na Iskolar ng Bayan.
Kaya’t aniya ang mga kadete ng PMA ay pamumuhunan ng taumbayan para sa ating seguridad at kaligtasan.
Ayon kay Recto nararapat lang na malaman ng taumbayan ang katotohanan sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio at nararapat lang na mabigyan ito ng hustisya.
Bukod kay Dormitorio, may dalawa pang kadete ng PMA ang kasalukuyang nasa ospital makaraan silang sumailalim sa hazing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.