Medical experts, Federation of Senior Citizens inihirit ang pagpapalakas ng anti-flu vaccination

By Chona Yu July 20, 2022 - 01:20 PM

Umapila ang mga medical experts at Federation of Senior Citizens Association sa gobyerno na palakasin at palawakin ang government anti-flu vaccination program.

Base ang apila sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at dahil sa tag-ulan na nagdudulot ng ibat ibang uri ng sakit.

Ayon kay Dr. Arthur Dessi Roman, isang infectious diseases expert, dapat palakasin ang  pagbabakuna dahil sa pagsulpot ng Flurona na isang  coinfection ng flu at COVID-19.

“Meron tayong mga instrumento na pwedeng gamitin para labanan at maiwasan ang trangkaso. Ang maganda sa flu at COVID-19, pareho silang may bakuna para maiwasan itong dalawang sakit na ‘to,” dagdag ni Roman.

Sinabi naman ni Dr. Jennifer Wi, Head ng TB Assembly of the Asian Pacific Society of Respirology na dapat na bantayan ang banta ng influenza.

Base kasi aniya sa talaan ng World Health Organization (WHO),  isang bilyong katao ang tinatamaan ng virus kada taon at 650,000 ang namamatay dahil sa komplikasyon  gaya ng  pneumonia, organ failure, at heart attacks.

Lubha aniyang mapanganib kung matamaan ng  Flurona.

“Mababa ang resistensiya so prone na siya sa bacterial infection. And, pagsumama ang bacterial and viral infection, that’s a catastrophic event for us,” pahayag ni Wi.

Dagdag pa niya; “Gawin natin bahagi ng culture of safety and protection ang pagbabakuna. Kung tayo po ay nagse- seatbelt tuwing nagda-drive, kailangan gawin din natin bahagi ang pagbabakuna as part of regularly protecting ourselves.”

Ayon naman kay Jorge Banal, pangulo ng Federation of Senior Citizen Association of the Philippines-National Capital Region Chapter, panahon na para palakasin pa ang pagbabakuna lalo’t marami sa mga matatanda ang nagdadalawang isip.

Marami kasi aniya sa mga matatanda ang takot sa mga posibleng side effects.

“Kami sa FSCAP at sa mga ibang pederasyon ay nagkakampanya sa aming mga miyembro… Pinapadama namin sa kanila na kami ay nabakunahan na at kailangan sila ay magpabakuna na rin,” dagdag pa nito.

TAGS: flu, medical experts, senior citizens, vaccination, flu, medical experts, senior citizens, vaccination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.