Marcos walang hinalang may mga aktibong pulis sa ‘oust plot’
METRO MANILA, Philippines — Walang hinala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may mga kasabwat na mga aktibong mga pulis sa “oust plot” laban sa kanya.
Aniya wala siyang natatanggap na anumang impormasyon o ulat ukol sa pagtalikod sa kanya ng mga pulis.
Ngunit iba ang naiisip ni Marcos sa mga retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP).
“Wala kaming report na [may kasama] in the ranks [ng mga aktibong pulis]. Iyong mga retired baka mayroon, mayroong mga gumagalaw, sumasama sa mga destab na ginagawa,” sabi niya nitong Biyernes.
BASAHIN: Destabilization plot ‘lumang chismis na‘ – Sen. Imee Marcos
Depensa pa niya sa mga aktibong pulis, walang impormasyon na may namumulitika sa mga ito.
Dagdag pa ni Marcos, hindi kailangan na magsagawa ng loyalty check sa hanay ng mga pulis sa katuwiran na wala naman itong mapapatunayan.
Kamakailan, ibinunyag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na may mga aktibong opisyal ng pambansang-pulisya ang nahikayat nang lumahok sa plano na patalsikin sa puwesto si Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.