Destabilization plot ‘lumang chismis na‘ – Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio May 08, 2024 - 08:17 PM

PHOTO: Imee Marcos
Sen. Imee Marcos (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Hindi kumbinsido si Sen. Imee Marcos na may mga pagkilos para mapatalsik sa puwesto ang kanyang nakakabatang kapatid, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Nababaduyan na ako sa mga chismis na ganyan. Lumang chismis na, no? Nakakasuya na,” sabi ng senadora sa isang ambush interview nitong Miyerkules.

Kasabay nito, hinamon niya ang nagsabing may “oust plot” sa kanyang kapatid na maglabas ng mga ebidensiya.

BASAHIN: Pangulong Marcos Jr., bumisita sa Davao City, Pulong at Baste Duterte hindi humarap

BASAHIN: Pimentel hinayang sa pagkawatak ng Marcos-Duterte Uniteam

Apila na lamang ng senadora na magtrabaho na lamang ang lahat at pag-usapan na lamang ang mga solusyon na lubos na makakatulong sa mamamayang Filipino, tulad na lamang aniya ng napakataas na presyo ng bigas.

Tumanggi naman ito na magbigay ng direktang sagot kung kanino siya papanig kapag napatunayan ang planong pagpapatalsik sa pangulo.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, Marcos destabilization plot, Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, Marcos destabilization plot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.