Ilang kompanya nagkusang magpa-price freeze sa mga produkto

By Jan Escosio May 10, 2024 - 02:16 PM

PHOTO: Francis Tolentino STORY: Ilang kompanya nagkusang magpa-price freeze sa mga produkto
Sen. Francis Tolentino (File photo from the Senate Public Relations and Information Bureau)

METRO MANILA, Philippines — Maraming mga manufacturing companies and nagtakda ng kusang paglagay sa price freeze ang kanilang mga produkto, ang pahayag ni Sen. Francis Tolentino nitong Biyernes.

Binahagi raw sa kanya ang impormasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos siyang umapila na magpatupad ng price control kahit wala pang deklarasyon ng state of calamity dahil sa epekto ng El Nino.

Dagdag ng senador, epektibo ang price control hanggang apektado ng El Nino ang maraming bahagi ng bansa.

BASAHIN: Price hike sa ilang basic goods okay sa DTI

BASAHIN: 3.8% na inflation naitala ng PSA noong Abril

“Ito yung mga makakatulong sa ating mga kababayan kahit hindi deklaradong state of calamity yung kanilang mga munisipyo na hindi magtataas ng presyo,” dagdag pa ni Tolentino.

Kabilang daw sa sasailalim sa “price freeze” ang mga gatas ng bata.

TAGS: Francis Tolentino, price freeze, Francis Tolentino, price freeze

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.