Taal Volcano nagbuga ng higit 18,000 tonelada ng volcanic gas
Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) sa posibilidad na makaranas ng smog o “vog” ang mga lugar na nakapaligid sa Taal Volcano.
Kasunod ito nang pagkakatala ng Phivolcs ng 18,638 tonelada ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan ngayon araw at ito na ang pinakamataas ngayon taon.
“Taal has averaged approximately 10,331 tons per day for the year and has been continuously degassing voluminous concentrations of SO2 since 2021,” ayon sa Phivolcs.
Nabawasan ang konsentrasyon ng sulfur dioxide dahil sa may kalakasan na ihip ng hangin.
Maaring maapektuhan ng smug o vog, ayon pa sa Phivolcs, ang mga lugar na nasa kanluran at timog-kanluran ng bulkan.
Pinag-iingat na ang mga may asthma, sakit sa baga at puso, ang mga matatanda, buntis at bata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.