Ekonomiya ng Pilipinas lumago ng 5.7% Q1 ng taong ito – PSA

PHOTO: Composite image of hand holding 1,000-peso bills over map of the Philippines STORY: Ekonomiya ng Pilipinas lumago ng 5.7% Q1 ng taong ito – PSA
INQUIRER.net stock illustration

METRO MANILA, Philippines — Lumago ng 5.7% ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang tatlong buwan ng taong ito, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ngunit ang paglago ay mababa kumpara sa naitalang 6.4% sa katulad na panahon noong nakaraang taon.

Samantala, ito ay mas mataas naman sa naitalang gross domestic product (GDP) growth rate sa pagsasara ng taong 2023 na 5.55%.

BASAHIN: 44% ng mga Pinoy sinabing walang magbabago sa ekonomiya

BASAHIN: 3.8% na inflation naitala ng PSA noong Abril

Bagamat kapos ito sa  6.0% hanggang 7.0% target na GDP growth rate para sa Enero hanggang Marso na itinakda ng administrasyong Marcos.

Sa kabuuan ng nakalipas taon, nakapagtala ng Pilipinas ng 5.5% economic growth.

Read more...