METRO MANILA, Philippines — May masisilungan na ang babaeng naging biktima ng ”gender-based violence” as Las Piñas City matapos pasinayaan nitong Huwebes ang Women’s Crisis Center sa Sta. Cecilia Village sa Barangay Talon Dos.
Ito ang kauna-unahan crisis center para sa mga babae sa Metro Manila, ayon kay Mayor Imelda Aguilar nitong Huwebes.
Dagdag pa ni Aguilar na ang proyekto niya at ni Vice Mayor April Aguilar, na anak niya, ay bahagi ng pagtugon ng pamahalaang lungsod sa mga pangangailangan ng mga kababaihan dumarnaas ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang sariling pamilya o komunidad.
Ayon sa isang post sa Facebook page ng Las Piñay City, itong proyektong ito ay tugón sa dumaraming kaso ng karahasan laban sa mga babae sa naturang siyudad.
Base sa ulat ng Violence Against Women and their Children, ang Las Piñas ay may naitalang 1,945 kaso ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso noong 2022 at ito ay bahagya lanng bumaba sa 1,887 noong nakaraang taon.
Kaya ng crisis center na bigyan ng pansamantalang tirahan at serbisyong pang rehabilitasyon ang 40 na babae. Ang center ay nagbibigay ng counseling, legal assistance, at livelihood training.
Paliwanag pa ni Aguilar, ang proyekto ay nabuo sa pakikipagtulungan ng Las Piñas sa Department of Social Welfare and Development.
Dumalo din sa pagpapasinaya sa crisis center si Vice Mayor Aguilar, gayundin ang department heads ng lokal na pamahalaan.