Angara bill: Libreng sanitary napkins sa public HS students

PHOTO: Sonny Angara STORY: Angara bill: Libreng sanitary napkins sa public HS girls
Sen. Sonny Angara (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batas si Sen. Sonny Angara na layong mabigyan ng libreng pasador o sanitary napkin ang mga babaeng estudyante sa mga pampublikong paaralan.

Sa kanyang Senate Bill No. 2658 — ang panukalang Free Menstrual Products Act — ipinaliwanag ni Angara na napakahalaga na mapalakas ang mga kababaihan dahil sila ang nangangalaga ng kalusugan ng pamilya.

Hindi rin aniya maikakaila ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng bansa dahil tanging sila lamang ang maaring magdalantao.

Dagdag pa ni Angara, makatuwiran lamang na tiyakin ng gobyerno na nabibigagyang proteksyon ang mga kababaihan sa pamamagitan ng suporta sa pangangalaga sa kanilang kalusugan.

Banggit pa niya, sa halos 120 milyong Filipino sa kasalukuyan, 34 milyon ang kabataang babae at kababaihan na nasa “productive age.”

Nakasaad sa panukala, na magtutulungan ang Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) sa pamamahagi ng libreng “menstrual products” sa mga babaeng estudyante sa public schools.

Magkakaroon din ng aktibong bahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan sa programa kung magiging ganap na batas ang panukala ni Angara.

Read more...