Metro Manila kailangan ng bagong bukál ng tubig – JV Ejercito

PHOTO: Entrance to Kaliwa Dam in Teresa, Rizal. STORY: Metro Manila kailangan ng bagong bukál ng tubig – JV Ejercito
Eto ang papasók sa Kaliwa Dam project site sa Teresa, Rizal. Dito sa bayan na ito sinimulan ang phase 1 ng proyekto noong Disyembre 2022. (Photo taken on Dec. 19, 2022 by VOLT CONTRERAS | Philippine Daily Inquirer)

METRO MANILA, Philippines — Hinimok ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na kumilos para makahanap ng bagong mapapagkuhanan ng tubig ang Metro Manila.

Nagpahayag si Ejercito ng kanyang pagkabahala si Ejercito sa madalas na kakapusan ng tubig sa Metro Manila nitong  Miyerkules sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services ukol sa panukalang pagbuo ng Department of Water Resources.

Tinanong niya ang MWSS tungkol sa Laiban Dam sa Tanay, Rizal, na aniya ay noong pang 1979 sinimulan pero hanggan ngayon ay hindi pa napapakinabangan kung kailan dumoble na ang populasyon ng Metro Manila.

BASAHIN: MWSS iimbestigahan bahay na biglang tataas ang gamit ng tubig

BASAHIN: Wala pang balak magrasyon ng tubig ang DENR

“Ang Angat Dam pa din ang main source ng ng tubig ng Metro Manila. Kailan magiging operational ang Laiban Dam?” tanong ni Ejercito sa MWSS.

Sa 2027 daw mapupunan ng tubig ang Metro Manila mula sa Laiban at Kaliwa Dams, ang sagot ni MWSS Administrator Leonor Cleofas.

Tinalakay din sa pagdinig ang panukalang pagbuo sa Water Regulatory Commission (WRC).

Read more...