MANILA, Philippnes — Wala pang balak ang Department of Environnent and Natural Resources (DENR) na magrasyon ng tubig sa kabila ng pagbaba ng antas ng mga dam bunga ng El Niño.
Ito ang tiniyak ni Enviroment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga upang mapawi ang pangamba na magrarasyon na para makatipid sa tubig.
Sa halip ay magsusumikap muna ang DENR na hindi magkulang ang nakaimbak ng tubig.
Dagdag pa ni Yulo-Loyzaga na ginagawa ng DENR ay binabawasan lamang ang presyon ng tubig at ito ay ginagawa tuwing gabi kung kailan ay kakaunti lang ang gumagamit ng nito.
Paliwanag niya na hindi rin saklaw ng kapangyarihan ng DENR na magpataw ng multa para lamang magtipid ng tubig ang mga konsyumer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.