3.8% na inflation naitala ng PSA noong Abril

PHOTO: File illustration graphic for inflation
INQUIRER.net file photo

MANILA, Philippines — Bahagyang tumaas ang inflation noong nakaraang buwan ng Abril sa 3.8%, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas ito ng 0.01 percentage sa naitalang 3.7% noong Marso.

Nananatili ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain, partikular na ng sibuyas at galunggong. Itong ang nagkaroon ng malaking kontribusyon sa pagtaas muli ng inflation rate.

Naka-ambag din ang pagtaas ng presyo ng non-alcoholic beverage at ang sunod-sunod ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Read more...