Ouster plot kay Marcos luto ng kampo ni Duterte – Trillanes

PHOTO: Former Sen. Antonio Trillanes IV STORY: Ouster plot kay Marcos luto ng kampo ni Duterte – Trillanes
Dating Sen. Antonio Trillanes IV sa press conference niya nitong Martes, ika-7 ng Mayo 2024. (Photo by JAN ESCOSIO | Radyo Inquirer)

MANILA, Philippines —Ibinunyag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang mga pagtatangka na patalsikin sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang press conference nitong Martes.

At ang itinuro niya na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang utak sa pagpaplano na maalis sa Malacañang si Marcos.

Sinabi pa ni Trillanes na may nakasapi nang mga retirado at aktibong matataas na opisyal ng Philippine National Police ang kampo ni Duterte.

Ngunit bigo pa ang mga ito na makapag-recruit sa hanay naman ng Armed Forces of the Philippines.

Nais aniya ng kampo ni Duterte na si Vice President Sara Duterte ang ipalit na pangulo.

BASAHIN: Trillanes: Active senior PNP officials recruiting for Marcos ouster

BASAHIN: Pangulong Marcos Jr., bumisita sa Davao City, Pulong at Baste Duterte hindi humarap

BASAHIN: Pimentel hinayang sa pagkasira ng Marcos–Duterte Uniteam

Dagdag pa ni Trillanes, bukod sa nilulutong kudeta, bahagi rin ng plano ang pagpapa-impeach kay Marcos, bagamat ang House of Representatives ay masasabing kontrolado ng mga kaalyado ng administrasyon, sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez.

Paglilinaw pa ni Trillanes na tatlo hanggang apat na beses nang pinagtangkaan na mapatalsik sa Malacañang si Marcos.

Read more...