Scam ang ‘no touch arrest policy’ na text message – MMDA
MANILA, Philippines — Ilang mga netizens ang nagpa-abot sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may isang kumakalat na pekeng text message ukol sa pagpapatupad ng “no touch arrest policy.”
Ayon sa MMDA, wala daw itong pinapatupad na ganitong patakaran at wala rn itong ipinadadalang notisya ukol dito sa mga motorista.
Sa naturang text message, may abiso na kailangan na bayaran sa isang website link ang multa sa paglabag sa patakaran.
BASAHIN: Government ayuda scams sa LGUs ibinuking ni Sen. JV Ejercito
BASAHIN: Higit P155M natangay sa mga Filipino sa money scams, modus noong 2023
Sinabi ni acting MMDA Chairman Don Artes na nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa mga awtoridad para matukoy at mahuli ang nasa likod ng scam text message.
Paalala na lang din ni Artes sa mga nakatanggap ng naturang mensahe na huwag pindutin ang website link at iwasan ang pagbibigay ng mga personal at sensitibong impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.