MANILA, Philippines — Ikinagalak ni Sen. Nancy Binay ang pagsuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa “Chibog,” ang Filipino street food tourism na proyekto ng gobyerno.
“Natutuwa po tayo at pati ang presidente ay na-aapreciate ang patuloy na pagkilala sa ibat-ibang Pinoy street food bilang mahalagang sangkap sa pagpapa-angat ng ating turismo,” sabi ni Binay nitong Lunes.
Aniya naniniwala siya na malaki ang potensiyal ng food tourism sa bansa at makakatulong ito para mapaunlad ang sektor ng turismo.
Sinabi pa ni Binay na dapat na kilalanin ang nagbebenta ng ganitong mga pagkain sa bangketa dahil sa pagpapasarap ng husto sa mga tinatangkilik na mga paborito.
Idiniin pa nito na naniniwala siya na kakaiba talaga ang “street food” sa bawat probinsiya o rehiyon