MANILA, Philippines — Napakahalaga ng kanilang trabaho kayat makatuwiran lamang na taassn ang kanilang suweldo.
Ito ang naging pangangatuwiran ni Sen. Jinggoy Estrada sa paghahain niya ng Senate Bill No. 2611 — o ang panukalang Salary Law Standardization Law VI.
Isinusulong ni Estrada ang hanggang 46% na pagtaas sa suweldo ng mga kawani ng gobyerno sa loob ng apat na taon.
Aniya natapos na ang Salary Standardization Law V noong nakaraang administrasyon kayat kailangan ng panibagong batas para sa umento ng mga government worker.
Patuloy aniya ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin kayat nararapat lang na sabayan ito ng pagtaas ng suweldo. Sakop ng panukalang taas sahod ang mga public school teachers, health care workers, maging ang mga kawani ng local government units kasama na ang mga barangay workers .
Hindi naman kasama ang uniformed at military personnel, empleyado ng mga government owned and controlled corporations, contractuals, consultants, at job order workers.