Ibababa presyo ng gasolina, krudo, gaas bukas, Mayo 7

PHOTO: Fuel pumps STORY: Ibababa presyo ng gasolina, krudo, gaas bukas, Mayo 7
INQUIRER.net FILE PHOTO

MANILA, Philippines — Natuldukan na sa wakas ang ilang linggong sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya ng langis, mababawasan ng P0.75 ang presyo ng kada litro ng gasolina, samantalang 90 sentimos naman ang matatapyas sa presyo ng krudo (diesel).

Ang gass (kerosene) naman ay bababa ng P1.05  kada litro.

BASAHIN: Japanese megabanks pinatitigil sa pagpopondo sa fossil fuel projects

BASAHIN: World Bank pinatitigil na sa pagpo-pondo sa fossil fuel projects

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang gasolina ay tumaas na ng P10 kada litro, P5.60 sa diesel at P0.25 naman sa kerosene noong nakaraan.

Ang paggalaw ng mga presyo ay bunga ng tumataas na imbentaryo ng langis at ang bumababang tensyon sa Gitnang Silangan.

 

Read more...