Presyo ng bigas malabong bumaba dahil sa El Niño

By Jan Escosio April 04, 2024 - 02:39 PM

Hindi  bababa ang presyo ng bigas dahil sa El Niño.                                                             (FILE PHOTO)

MANILA, Philippines — Kahit panahon na ng tag-ani ngayon sa bansa, malabo na bumaba ang presyo bigas ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel dahil sa pinsala sa sektor ng agrikultura ng El Niño.

Pag-amin ni Tiu-Laurel bumababa ang presyo ng bigas sa pandaigdigang-pamilihan ngunit dahil sa El Niño maaring hindi makasabay ang Pilipinas.

“Hopefully, ay bababa ‘yan  sa second half of this year but as of the moment nandyan ang lingering effects ng El Niño. I don’t think bababa pa nga as of the moment ,” aniya.

Sa ngayon, banggit pa ng kalihim, nasa P2.76 bilyon na ang halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng tag-tuyot kayat asahan na lolobo pa ito dahil nasa kasagsagan pa ang epekto ng nararanasang El Niño.

“To be honest, pataas pa, we are at the height of the El Niño now. Hopefully, by end of May, patapos na ‘yan, pababa na,” paliwanag pa nito.

Sa ngayon ang presyo ng kada kilo ng bigas sa bansa ay P47 hanggang P57 depende sa kalidad at lokasyon.

TAGS: Bigas, el nino, Bigas, el nino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.