MANILA, Philippines — May paraan ang Civil Service Commission (CSC) na magawang regular ang mga contract of service at job order na manggagawa sa gobyerno, sabi ni CSC Chairman Karlo Nograles nitong Biyernes.
Gagawin ito ng CSC sa pamamagitan ng Career Service Eligibility-Preference Rating (CSE-PR) nito.
Ayon kay Nograles, ginagamit ang CSE-PR sa mga manggagawa na nakapagsilbi na ng 10 taon at may kapaki-pakinabang ang kakayahan at karunungan ngunit kulang sa “eligibility” para sa plantilla na posisyon.
Nakasaad sa CSC Resolution No. 2301123 na pinagtibay noong nakaraang ika-7 ngDisyembre na bibigyan ng pinakamataas na 10 puntos ang mga nakakuha ng 70 hanggang 70.99 grado sa civil service exam ang mga aplikante para sila ay maging kuwalipikado sila na Career Service Professional o Subprofessional.
Sa ganitong sistema ay maaabot na ang 80 passing grade.
Ang mga maaring mag-apply sa CSE-PR ay ang mga kumuha ng civil service exam simula noong Marso 3 at makakakuha ng hindi bababa sa 70 na grado.