MWSS iimbestigahan bahay na biglang tataas ang gamit ng tubig

PHOTO: Stock image of hand opening a faucet
INQUIRER.net STOCK IMAGE

MANILA, Philippines — Makakatanggap ng abiso mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga konsyumer na biglaang tumaas ang konsumo ng tubig.

Ito ang ibinahagi ni MWSS-Water and Sewerage Management Department Manager Patrick Dizon sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing.

Aniya iimbestigahan ng MWSS ang mga biglaang pagtaas sa konsumo sa tubig sa mga kabahayan.

“Kung napatunayan po na wala naman pong leak sa kanilang kabahayan ay wa-warning-an po natin sila,” aniya.

Dagdag pa ng opisyal, bukod sa pagbibigay ng babala, tatanggap din ng mga rekomendasyon ang mga konsyumer kung paano makakatipid ng tubig.

Ito raw ay kabilang sa mga napagkasunduan ng MWSS at ng Water Resources Management Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kasabay nito, hinikayat ng DENR ang publiko na sundin ang prescribed conservation action (PCA) sa pagdidilig sa mga halaman, paglilinis sa bahay, at paghuhugas ng mga sasakyan.

 

Read more...